"Ang pag-ibig na bakal ay hinihinang at pinag-iisa ng matinding init na namamagitan sa dalawang nagmamahalan. Pero kung ang pag-ibig ay yari sa plastik, at ang matinding init ay nagmumula lang sa laman, malulusaw lang ito sa oras na ito ay hininang."
"Mas mabuti pang tumahimik ka at paghinalaan ka nilang tanga, kesa magsalita ka at mapatunayan nilang tama ang hinala nila."
"Ang tagal ko nang nagpaparamdam sayo, hindi mo naman ako pinapansin... Manhid ka ba?!" -Multo
"Sorry Tarzan, hindi tayo pwede maging magshota. Dahil kahit hindi mo alam kung ilang taon ka na, alam kong bata ka pa. Wala kang bigote, 'e hindi ka naman nag-aahit." -Jane
"Wag kang masyadong puro "sana". Magpasalamat ka naman sa mga "buti nalang."
"Naghihilom ang sugat, ngunit may pagkakataon na kikirot ang peklat."
Kung sukdulan na ang pang-gagago sayo, wag kang matakot murahin ang kaaway mo, kahit gano pa sila kadami.Wag mo lang ipaparinig...
Puro ka reklamo na ang daming kontrabida sa buhay mo...
Sino bang nagsabi sayong bida ka?
"The best things in life are free." -Magnanakaw
Yung mga babaeng hindi pantay ang kulay ng muka at katawan, ano bang ginagawa nila? Nagpapaputi ba sila ng muka, o nagpapaitim ng katawan?
Napaka walang kwenta naman ng buhay mo kung wala kang kaibigan kapag hindi ka na ONLINE.
Ang mga taong tunay na nagmamahalan ay hindi nagkakaroon ng happy ending...
Dahil ang tunay na pagmamahalan ay walang katapusan.
Pakisabi sa mga anak nyong bata na wag nagpapacute kapag may bisita. Dahil hindi lahat ng tao, mahilig sa bata... at hindi lahat ng bata, cute.
Ang mga taong gustong magpahaba ng buhay ay...
kumakain ng mga ayaw nilang pagkain, uminom ng mga ayaw nilang inumin, at ginagawa ang mga bagay na ayaw nilang gawin.
Yan ang sikreto para sa mas mahaba, at napaka miserableng buhay.
"Panahon na para gumawa ka ng pagbabago sa buhay mo kung naaalala mo parin kung kailan ka huling umiyak, pero hindi mo matandaan kung kailan ka huling tumawa."
Kapag nagsisi ka, ibig sabihin nagkamali ka... kapag nagkamali ka, ibig sabihin sumubok ka... kapag sumubok ka, ibig sabihin binigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon magtagumpay. Minsan ang lamang lang sayo ng ibang tao... lakas ng loob.
Ang tunay na kapatawaran ay hindi binabayaran, binibigay ito ng bukal sa loob..
Kaya nga forGIVE diba, hindi for SALE.
Sa Pilipinas lang pinagmamalaki ang pagiging "bum".
“Minsan lang mag mahal ang tarantado, wag naman sanang abusado.”
“Nasasabi mo lang naman na nag babago na ang isang taong kapag hindi na nasususnod ang pag tratong, hinahangad mo.”
Wag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak magshare ng problema. Para kang nang-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay.--DORAEMON
ang pag ibig ay parang tsinelas. kahit anong dami ng sapatos mo ..sa bahay tsinelas pa rin ang hanap mo...
ikaw? nahanap mo na ba ang tsinelas mo??
Sana pag nag kuwento ako kahit kunwari lang na interesado ka kasi sayo kolang kinukwento mga mga bagay tungkol saken.. nakahit magulang ko hindi alam
ANG MABIGAT AY GUMAGAAN PAG BINITAWAN. :)
No comments:
Post a Comment